Travel on a budget: Discover Leyte in three days

discover leyte

Gusto mong mag-travel ngayong bakasyon. Pero sawa ka na sa usual places to go, at travel on a budget ka rin. Discover Leyte, one of the most underrated tourist spots in the Philippines!

Yes, my friend, you read it right—sobrang underrated ang Leyte pagdating sa mga listahan ng mga go-to spots ngayong bakasyon. Usually nababalita lang ang Leyte pag may kalamidad na dumating. Which is really unfair, because Leyte actually has a lot of scenic and cultural wonders. Guaranteed magandang puntahan ang mga ito pag may time.

How to discover Leyte on a budget

Mag-book ng biyahe papuntang major towns and cities ng Leyte sa Bicol Isarog Transport System, available at a POSIBLE outlet near you. Ang pinaka-advantage mo, di mo na kelangang pumila at makipagsapalaran sa pagbili ng ticket. Ike-claim mo na lang sa ticket office ang iyong boarding pass and seat assignment. Convenient, di ba?

discover leyte bicol isarog

Take note na sa aming sample itinerary, hindi kasama ang oras ng pagbiyahe mula sa Manila patungong Leyte. Make sure to set a few more days for travel time. But here’s how you can discover the beauty of Leyte in just three days.

Day One: Canigao Island or Lake Danao

From Manila, mag-book ng biyahe papuntang Matalom, kung saan nandon ang Canigao Island, or sa Ormoc, kung pupunta ka sa Lake Danao. Maglaan ng isang buong araw para ma-enjoy ang mga lugar na ito. Mag-swimming o mag-nature tripping hangga’t gusto mo.

Ang Canigao Island ang isa sa mga underrated at undiscovered wonders sa Pilipinas. Pwedeng mag-overnight dito at abangan ang pinagmamalaking sunset at nighttime views. Or spend the day swimming and snorkeling in the clear blue water around the island.

discover leyte canigao island

Kung ayaw mo sa dagat, ang Lake Danao ang magandang puntahan mo. Just 30 minutes away from Ormoc, the lake offers swimming or kayaking as options. In addition, pwedeng mag-renta ng floating kubo kung saan pwedeng kumain at tumambay habang ine-enjoy ang view. Mataas ang lugar ng Lake Danao—parang Tagaytay—kaya malamig at presko ang klima rito.

discover leyte lake danao

Day Two: Maasin pilgrimage

From Ormoc or Matalom, get a van or bus going to Maasin town in southern Leyte for a religious and cultural pilgrimage. Visit Our Lady of Assumption Cathedral of Maasin, also known as Maasin Cathedral. Itinatampok nito ang Baroque architectural style na karaniwang feature ng mga lumang simbahan sa PIlipinas.

While in Maasin, you can also visit the Monte Cueva, a chapel nestled within a cave. Magandang bumisita dito kapag Holy Week. To reach the cave itself, you have to climb more than 500 steps. May mga Stations of the Cross din para tulungan kang mag-meditate sa sakripisyo ni Hesus. However, once you get there, you can say it’s worth the climb. The natural features of the cave are really stunning. Pagkatapos mong magdasal at mag-muni-muni sa chapel, i-enjoy ang magandang view na makikita sa paligid.

Day Three: Tacloban Historical Tour

Hindi kumpleto ang pagbisita natin sa Leyte kung hindi dumaan sa MacArthur Landing Memorial Park. The park is built on the site of the Leyte landings in 1944, code-named Red Beach. It features seven bronze statues of General Douglas MacArthur and his companions, including President Sergio Osmeña and Carlos P. Romulo, inside a shallow pool, with Leyte Gulf as a backdrop. The scene reenacts the moment MacArthur wades ashore and declares the fulfillment of his famous “I shall return” promise.

discover leyte macarthur landing memorial

Bumisita rin sa Sto. Niño Shrine and Heritage Museum, isa sa mga tanyag na tourist spots sa Tacloban. Tampok dito ang malawak na koleksyon ng mga antiques at artifacts mula sa iba’t ibang bansa. Dati itong resthouse ng pangulong Ferdinand Marcos na kinumpiska ng pamahalaan at ginawang heritage museum.

discover leyte sto niño shrine

You can also visit the M/V Eva Jocelyn Shrine, a memorial in Barangay Anibong, Tacloban. It was built in memory of those who died during super typhoon “Yolanda” (HAIYAN) in 2013. The memorial features the bow part of the ship that ran aground at the height of the storm. Tandaan lang na kapag bumisita dito, iwasan ang pag-iingay at mga kuha o selfie na wala sa lugar. Magdasal bilang respeto sa mga namatay at naiwang pamilya.

discover leyte yolanda memorial

Sa tulay pa rin ang tuloy

Finally, our historical tour of Tacloban concludes at the longest inter-island bridge in the country, the San Juanico Bridge. Nagsisilbing connection ang tulay sa Leyte at Samar province, which are separated by the San Juanico Strait. An iconic feature of the bridge is the truss arch main span, which is designed to accommodate sea traffic passing underneath.

Para makarating sa tulay ng San Juanico, sumakay ng jeep papuntang Samar. Then, ask to get off at either end of the bridge. Kelangang maglakad paakyat sa bridge dahil hindi pwedeng tumigil sa gitna ng tulay unless emergency. In addition, the bridge only has two lanes, so there’s not much space to park. Best times for photography are late in the afternoon towards early evening. Mag-ingat lang sa mga pagkuha ng larawang pang-Instagram dahil sa mga sasakyang dumadaan sa tulay.

After wrapping up your photo shoot, proceed to the Bicol Isarog terminal in Tacloban for your ride back to Manila.

Your journey starts now

There you have it—a trip around Leyte in three days! Actually marami pang mga lugar na pwedeng puntahan at bisitahin. Mas madali na rin puntahan dahil pwede kang mag-book ng biyahe aboard Bicol Isarog Transport System buses patungo sa mga major towns and cities ng Leyte. Pumunta lang sa pinakamalapit na POSIBLE outlet para mag-book ng iyong biyahe.

For more suggested itineraries of Leyte, you can click here. Mag-click naman dito para malaman paano kumita sa pagbenta ng seats sa Bicol Isarog Transport System.

Go ahead, discover Leyte, and you might discover more about yourself.

 

Image credits:

Bicol Isarog terminal – Action.Able Marketing

Monte Cueva – Maasin LGU

M/V Eva Jocelyn Shrine – Tacloban City Information Office

Wikimedia Commons:

Canigao Island (Gina D.)

Lake Danao (Brenda Bonjoc)

Maasin Cathedral (Angeli Esma)

San Juanico Bridge (Charlie David Martinez)

Sto. Niño Shrine & Heritage Museum